Ang saya last week! Tatlo gigs naming sunud-sunod (3, 4, 5).
The first was at Mag:Net Katipunan. Wala si Heidi kasi birthday ng mom niya. Dala ko sina Edwina at Manix... touched ako kasi may sakit yung kapatid ko pero pumunta pa rin siya. Siya pa nag-order ng chibog kahit sobrang mahal hehehe. Ang mahal ng beer -- P50! Hay naku, na-miss ko tuloy yung ever-loved Hemady...
Ok yung gig namin dun kasi relaxed lang (pero kabado ako kasi unsure pako sa ibang kanta) tapos may hecklers pa kami in the form of the brown briefs hehehe. Si Zig umitim dahil sa beach. Tuwa kami nina Edwina kasi binigyan kami ni Kathy ng surplus ABS pins at bumili rin kami ng bago.
Lumapit sakin yung asawa ng vox ng Datud's Tribe at nagpakilala. Adviser kasi ni Sir Cabring yung isa kong sister, tapos kinuwento ng asawa na dati linalaro pa ni Erika yung anak niya. Naluha ako ng konti, pero nagpasalamat din at naalala niya.
Umuwi kami ng maaga kasi may trabaho pa bukas tapos sinundo ako ni TJ kasi uwi kaming Pasay kasi walang tubig sa Cubao. Kelangan kong maligo e.
+++
Friday, Juan Pablo Dream launch, kasama ko si TJ. Nakatambay yung Shirley sa labas, kumakain at umiinom. Kumakanta ng "nakapagtataka" at "make it easy on me" sina Zig, Melvin at Heidi. Hahaha.
Galing ng Outerhope! First band sila. Nagustuhan din sila ni TJ; sabi niya, yun yung type of band sana na gusto niyang salihan. Weird kasi kabanda niya pala dati yung gitarista (kaya lang wala siya that night). Naki-jam si Jing sa "sky high blue" woohoo.

Ang Bandang Shirley Rocks!
Sarap ng set namin, of course :) Hindi ko na napanood yung Soul Connection kasi nakaramdam ako bigla ng sobrang pagod. Ewan. Ang hirap maging yuppie at magkabanda. Scratch that. Mahirap maging yuppie period.
+++
Saturday yung God Knows Hudas Not Pay. Ang galing kasi sobrang prepared dahil may poster tapos may mga bagong ABS pins pa na sobrang cool (Thanks, Owel!)! Tapos may video showing pa from Spork For Short, tapos ang daaaaaaming tao. Sabi ko nga kay Jing medyo naguilty ako kasi wala akong friends na nakapunta, pero grabe ang dami pa ring nag-attend. Ang galing! Ganyan na ba talaga kasikat yung Shirley? Hehehe... Astig.

Ang ganda ng pins! (pero medyo malabo yung pic ko, sorry)
Yun nga lang, ang sama ng pakiramdam ko nun. As in nilalamigan ako, pero nagco-cold sweat ako. So ayun. Sayang. Kasi handang handang handa pa naman sana akong magpakalasing nun. Pero nakainom naman ako ng konting rhum coke courtesy of joe and ean. Naawa si Joey sakin, pinipisil na lang niya pisngi ko para ma-comfort. Nabadtrip pa ako kasi nawalan ng batt yung camera ko, so Delta Joy (na masaya palang panoorin!) at Up Dharma Down lang yung napicture-an ko for the night. Sigh.

Delta Joy

Up Dharma Down
Nagulat kaming lahat kasi may Jackyard crew, and for that, ininterview kami ni Sib. Nakakatawa kasi tinanong ni Owel kung pwedeng mag-Tagalog, tapos sabi ni Sib, ok lang, pero nung sumagot si Owel, English din hehehe. Natakot ako kasi biglang tinanong kaming lahat kung ano yung music ng Shirley tapos di ako nakapag-isip kaagad so corny yung sagot ko (pero heartfelt, naks!). Tapos nagpa-group hug si Owel kasama si Sib, tapos sabi ni Sib ako lang daw babae sa group so hinug niya ako. Wala si Heidi kasi galing pa siyang Buzz Night with The Automatics, sayang. Pero masaya naman kasi humabol siya so kumpleto kami nung tugtog na :)
Magaling din yung Marty McFly tsaka Eggboy!!! Na-miss ko yung "lost With You", sana naibalik nga ni Allan yung cd ko nun. Okay din yung Blast Ople kasi nag radiohead sila :)
Masaya din yung set kasi happy yung mga tao nung tumutugtog kami, as in may mga pics of the event tapos todo talon at sing along sila! Nakakagulat at nakakataba ng puso yung suporta sa Shirley. Sana tuloy-tuloy na...
At sana makagawa na kami ng video! Woohoo!

No comments:
Post a Comment