selena: love ko si snape. sobra.
ibyang: oo nga, ako rin. nireresearch ko nga si alan rickman sa imdb. alam mo ba na unang film niya yung die hard?
s: talaga? wow.
i: theater lang kasi siya dati e. tapos nung nalaman nila na kaya niyang gumawa ng american accent, pinasok nila yung ability na yun sa script ng movie.
s: ang hot niya dun e.
i: oo nga e. wala pang anak yun.
s: o? pero may asawa?
i: oo.
S: (buntong hininga) bakit di ako napapakasalan ng mga alan rickman?
i: ha?
s: wala, nagtataka lang ako kung bakit di ako napapakasalan ng mga alan rickman. hehehe.
i: kasi siguro... hindi ka niya kilala? hehehe.
s: oo nga. (nag-iisip) alam ko na, magpapakilala na lang ako kay michael maronna para mapakasalan niya ako, di ba?
i: sino si michael maronna?
s: si big pete!
i: aahhh si big pete! oo nga! gusto ko rin yun.
s: oo! hahanapin ko muna siya. tapos magapapakilala ako, tapos maiinlove siya sakin, tapus ayun -- papakasalan na niya ako!
i: yehey.
s: o kaya, si masi oka na lang! magpapakilala ako para mapakasalan niya ako!
i: hindi pwede yun. marami nang may gusto dun.
s: bakit? di ba naghahanap daw siya ng soulmate? di ba sabi niya wala pa rin siyang mga chicks kahit famous na siya? geeky geeky naman siya di ba? pwede pa no.
i: hindi na no. by this time, marami nang lumapit na sa kanya dahil sinabi niya yun. emmy-nominated nga siya e. wag na. wala ka nang pag-asa dun. kay michael maronna ka na lang.
s: ay. bakit?
i: e kasi di na siya sikat masyado. pag nameet mo siya, wala ka nang kacompetensya. dun ka na lang.
s: hmmm. i love your scientific arguments.